|
Post by Admin on Dec 26, 2006 18:06:03 GMT 7
I'd like to welcome the following new members:
Glen Alcala Alex Co Wencee Santiago
|
|
|
Post by Wencee Santiago on Dec 28, 2006 20:07:26 GMT 7
Maraming salamat sa pagtatala mo sa akin bilang kabahagi ng buhs1978proboards78. Sa mahabang panahon ay muling mabubuksan ang mga masasaya at makabagbagdamdaming nakaraan na kailanman ay hindi mawawaglit sa ating mga puso at isipan, na kung saan ang isang anakpawis na kagaya ko at maging kayo man ay hinabi, pinalakas at inihanda sa pagharap sa masalimuot na pamumuhay sa mundong ibabaw at hindi alam ang patutunguhan. At pagkatapos ng mahabang panahon, ang bukas noon ay ngayon at ngayon ay hudyat ng napipintong ika-30 taon ng ating pinakaasam-asam na muling pagkikita. At sinuman tayo ngayon, anuman ang kalalagayan sa buhay at saanman tayo nakarating ay hindi mahalaga...sa sandaling tayo ay pamuling magkitakita...iyon ang mahalaga...I'll be in touch...
MAY GOD BLESS YOU AND HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU.
bro.wencee
|
|